20 fevereiro 2008

Love and Loads of Bullsh*t

Taena. Gawan daw ba kami ng fanfic ni sawada.

23 janeiro 2007

Bahaghari

Habang naghihintay ako sa tatay ko na sumakay sa sasakyan, napansin kong may bahaghari sa kalangitan. Ang ganda ganda, lalo na at minsan lang ako makakita nito. Naisip ko na nagbibigay ito ng pagasa, na magiging maayos ang araw. Sana sa mga taong makakakita ng bahaghari, maging masaya at mapuno ng pag-asa. :))

27 junho 2006

Araw

ngayon ko lang napansin, na ang gandang pagmasdan ng sikat ng araw sa umaga. at ang sarap ng pakiramdam ko habang nakikita ko ito.

20 junho 2006

Mata

kumusta na
nandyan ka pa ba
wala na yatang ibang magagawa
kundi tumawa

nandyan pa ba
mga ala-ala
ang tanging bagay na naiwan
sa 'ting dalawa

wag nang paikutin ang isa't isa
lahat ng bagay ay malinaw na
di na rin kailangan pagpilitan pa
di mo na kinakailangan pang magsalita

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sayo

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sayo

kumusta na
nandyan ka pa ba
wala na yatang ibang magagawa
kundi tumawa

nandyan pa ba
mga ala-ala
ang tanging bagay na naiwan
sa 'ting dalawa

wag nang paikutin ang isa't isa
lahat ng bagay ay malinaw na
di na rin kailangang pagpilitan pa
di mo na kinakailangan pang magsalita

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sayo

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sa'yo

mata mo, mata mo, mata mo, mata mo...........




Wala lang. Haha.

17 junho 2006

Taliwas

naramdaman mo na ba yung pagkakataon na hiniling mo na sana naging masama na lang ang kabuuan o katauhan ng isang tao para lang ma-justify mo ang inis na nararamdaman mo? ngunit hindi ganon, at lalong hindi nakakainis ang taong yon kaya ka lalong naiinis. ngunit sa totoo, isa lang itong pagtatago sa tunay mong nararamdaman. haay...

07 junho 2006

Insider

hindi ata ako makapaniwala sa nalaman ko. biglang lumiit ang mundong ginagalawan ko. na parang kahit saan ako lumingon, parang bigla na lang may isang sorpresang bubulaga sa akin. bakit ganon? parang isang hakbang na lang ang layo mo sakin...

10 abril 2006

Huling El Bimbo

Umaga. Bukohan. Kasalukuyan akong abalang nag-aaral para sa aking huling pagsusulit sa aking paboritong asignaturang QUADLEC nang bigla akong napatingin sa katapat naming mesa. Nagulat ako sa aking nakita. Ako'y natigilan. Parang biglang huminto sa pag-ikot ang mundo at hindi bigla na lang hindi ko na alam kung ano ang aking ginagawa. Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang tama ko sa kanya. Noong nilagay ko ang post na sa tingin ko ay napapabaliktad nya ang mundo ko, hindi ko naisip na ganito pala iyon. Noong mga oras na yon ang nasa isip ko lang hindi sya ang dahilan kung meron mang naging pagbabago sa mga marka ko sa mga pagsusulit. Tapos eto? Marahil nagulat lang ako, hindi ko kasi inaasahang makikita sya ngayong araw na to. Pero nagulat pa rin ako sa naging reaksiyon ko. Ano na ba tong nangyayari sa akin?! Tunay na crush ba ito?! Wahaha. La lang. Sa palagay ko, lilipas rin ito. Bakasyon naman eh...

AAAAAAAHH!!! Sa wakas tapos na ang terminong itooooo!!!