29 setembro 2005

Tatlong Minuto


Napakabilis nga naman ng oras. Parang kahapon Lunes pa lang diba? Ngunit Huwebes na pala ngayon. At sa mga panahong ito dagsaan na naman ang mga pagsusulit at nagsisimula nang dumami ang mga ipinapasa sa mga propesor, mapa-takdang aralin man yan o mga kailangan para sa proyekto para sa kasalukuyang termino, parang walang katapusang gawain na lang ang lahat ng ito.

Sa mga ganitong oras, tulad ng sinabi ng isa kong kaibigan - BAWAL KUMURAP. Ano naman ang diwa ng dalawang salitang iyon? Na sa panahong ito, bawat minuto, segundo, oras, ay napakahalaga. Kumurap ka lang ng minsan malalaman mo na lang na napag-iwanan ka na pala. Walang dapat masayang. Sa totoo lang, kahit kailan naman kailangan ganyan palagi. Noong nakaraang termino ko pa ata sinasabi ang bagay na ito ngunit hanggang ngayon parang wala pa rin akong pinaroroonan. Heto nga't may oras pa ako upang magsulat dito hindi ba? Kaya ngayon pa lang ay ititigil ko na ito at babalikan ko na ang aking ginagawa.

Ano ba itong mga pinagsasabi ko, marahil naman ay alam mo na ang mga bagay na ito ngayon hindi ba? Ang masasabi ko lang, mahirap ang maghabol sa oras, lalo na kung naubusan ka na nito. ^_^

20 setembro 2005

Ulan

Matapos ng mahabang panahon ng paglakad ko sa ulan ng walang payong, ako ngayon ay hindi mapakali na pumunta sa kahit saan ng walang dalang tissue. Ayan ang napapala ng mga taong hindi marunong sumunod sa utos ng mga magulang. Ako'y isang masamang halimbawa at hindi dapat tularan. Wahaha.

Sana huwag lumala ang sakit ko bukas ng umaga at sa mga susunod pang araw na darating. Achoo.

05 setembro 2005

Una

Binabati kita dahil natunton mo, sinasadya man o hindi, ang munti kong blog na ito. Hindi ko masasabi kung matutuwa ka o hindi sa mga nakalagay dito, ngunit kung nakaabot ka sa pagbabasa hanggang sa linyang ito marahil ibig sabihin ay napukaw kahit sandali ang iyong atensyon sa nakasulat dito. Wahaha. :)

Yun lamang at naubusan na ako ng ilalagay pa dito.