Huling El Bimbo
Umaga. Bukohan. Kasalukuyan akong abalang nag-aaral para sa aking huling pagsusulit sa aking paboritong asignaturang QUADLEC nang bigla akong napatingin sa katapat naming mesa. Nagulat ako sa aking nakita. Ako'y natigilan. Parang biglang huminto sa pag-ikot ang mundo at hindi bigla na lang hindi ko na alam kung ano ang aking ginagawa. Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang tama ko sa kanya. Noong nilagay ko ang post na sa tingin ko ay napapabaliktad nya ang mundo ko, hindi ko naisip na ganito pala iyon. Noong mga oras na yon ang nasa isip ko lang hindi sya ang dahilan kung meron mang naging pagbabago sa mga marka ko sa mga pagsusulit. Tapos eto? Marahil nagulat lang ako, hindi ko kasi inaasahang makikita sya ngayong araw na to. Pero nagulat pa rin ako sa naging reaksiyon ko. Ano na ba tong nangyayari sa akin?! Tunay na crush ba ito?! Wahaha. La lang. Sa palagay ko, lilipas rin ito. Bakasyon naman eh...
AAAAAAAHH!!! Sa wakas tapos na ang terminong itooooo!!!
AAAAAAAHH!!! Sa wakas tapos na ang terminong itooooo!!!

