27 junho 2006

Araw

ngayon ko lang napansin, na ang gandang pagmasdan ng sikat ng araw sa umaga. at ang sarap ng pakiramdam ko habang nakikita ko ito.

20 junho 2006

Mata

kumusta na
nandyan ka pa ba
wala na yatang ibang magagawa
kundi tumawa

nandyan pa ba
mga ala-ala
ang tanging bagay na naiwan
sa 'ting dalawa

wag nang paikutin ang isa't isa
lahat ng bagay ay malinaw na
di na rin kailangan pagpilitan pa
di mo na kinakailangan pang magsalita

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sayo

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sayo

kumusta na
nandyan ka pa ba
wala na yatang ibang magagawa
kundi tumawa

nandyan pa ba
mga ala-ala
ang tanging bagay na naiwan
sa 'ting dalawa

wag nang paikutin ang isa't isa
lahat ng bagay ay malinaw na
di na rin kailangang pagpilitan pa
di mo na kinakailangan pang magsalita

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sayo

nakita ko ng lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lamang sa'yo

mata mo, mata mo, mata mo, mata mo...........




Wala lang. Haha.

17 junho 2006

Taliwas

naramdaman mo na ba yung pagkakataon na hiniling mo na sana naging masama na lang ang kabuuan o katauhan ng isang tao para lang ma-justify mo ang inis na nararamdaman mo? ngunit hindi ganon, at lalong hindi nakakainis ang taong yon kaya ka lalong naiinis. ngunit sa totoo, isa lang itong pagtatago sa tunay mong nararamdaman. haay...

07 junho 2006

Insider

hindi ata ako makapaniwala sa nalaman ko. biglang lumiit ang mundong ginagalawan ko. na parang kahit saan ako lumingon, parang bigla na lang may isang sorpresang bubulaga sa akin. bakit ganon? parang isang hakbang na lang ang layo mo sakin...