27 março 2006

Kasalanan

Isa kang napakalaking kasalanan...katulad ng iba pa. Ayoko na ng kabaliwang ito...aaaaah!!!

Ang aking horoscope para sa natitirang araw ng terminong ito: Iwasan ang mga pwestong katapat ng lugar ng mga taong mukhang kawayan. Maglalaway ka at hindi titigil sa kakatawa bukod pa sa hindi maiwasang pamumula. @_@

23 março 2006

Kasabwat

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko kanina. Natakot ako, kinabahan pero masaya rin dahil nawala na ang agam-agam sa aking isipan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa natin yon. Haha. Pero maraming salamat, dahil kahit siguro isang milyong taon pa eh hindi talaga ako gagawa ni isa mang hakbang para sa mga kung anumang bagay na iyon. Pero ang naganap kanina ay sapat na sa akin. Masaya na ako dun kahit sa likod ng isip ko ay hinihiling ko na sana ay wala talagang nakakita. Haha.

Ano bang kabaliwan tong pinasok ko? Sana mayroong tumulong sa akin upang makalabas... bago pa ako tuluyang malunod.

17 março 2006

Gusot

Ang bilis talagang lumipas ng panahon...at halos isang linggo na rin noong nag-away kami ng nanay ko at hindi nag-usap. Mahirap, halos wala akong gana sa lahat ng bagay. Pero may maganda rin namang kinalabasan ang pangyayaring iyon. Marami akong natuklasan, at nalamang mga bagay na gusto kong iwasan. Hehe.

Magpapakabait na bata na ako ngayon.