06 outubro 2005

Habagat


Naghihintay na naman ako sa huli kong klase. Kung hindi ako nagkakamali ng bilang, ika-apat na linggo na ito mula nang magsimula ang bagong termino. At dito na nagsisimula ang pagbuhos ng mga iba't-ibang dapat gawin sa mga kurso. Parang daluyong ng hangin tuwing may bagyo. Napakarami ngang gagawin sa linggong ito at sa susunod pa. Minsan pa't hiniling ko na sana 72 ang oras sa isang araw. Mayroon nga pala akong tatlong pagsusulit sa susunod na linggo. Yung iba ko ngang kasama meron nang dalawa ngayon pa lang. Kung tutuusin, lalo na ngayon at nag-drop na ako sa isa kong kinukuhang kurso, napakaluwag na ng oras ko at nabawasan na ang intindihin ko. Kaya nga hanggang sa makakaya ko, ginagawa ko na lahat ng pwede kong maitulong sa mga kagrupo ko sa mga project/case namin dahil kung iisipin natin mas marami pa silang ginagawa kaysa akin. Ngunit parang kulang pa rin ang oras. Para ngang wala pa akong natututunan sa mga inaaral ko eh. Pero... baka naman ako ang may mali. Hindi ko na naman nagamit sa wastong paraan ang aking oras. Iniisip ko nga, hindi ko pa natutupad ang pangako ko para sa terminong ito. At apat na linggo na ang nakakaraan. May oras pa, pero hanggang kailan? Haay, tinotopak na naman ako.

Napansin mo na bang lumalamig na ang simoy ng hangin? ^_^

2 Comments:

Blogger Cecille said...

kasi malapit na ang pasko!!! weeee~

quarta-feira, outubro 12, 2005 1:14:00 a.m.  
Blogger rhoda said...

sa totoo lang, hindi nga masyadong malamig. pero sabi ng magulang ko ganun naman daw talaga, disyembre/enero yung talagang malamig....hmm

sábado, outubro 29, 2005 10:35:00 p.m.  

Enviar um comentário

<< Home