03 dezembro 2005

Musmos

Nadagdagan na naman ang mga bata sa bahay namin. Si Earl Christian. Anim na sila ngayon. Hindi ko pa sya nakakarga, saka na lang pag mas malaki na sya at hindi na mukhang mababali iyong buto nya kapag hinawakan. Haha.

Masaya, magulo, maingay. Nakakatuwa at nakaka-miss ang buhay ng mga bata. Walang malay sa mga kaguluhan at problema sa mundo, at laging mukhang payapa. Napakaganda rin nilang pagmasdan lalo na kapag ngumiti sila. Haay, sana lahat tayo ay namumuhay sa mundo na parang bata.