15 dezembro 2005

Tuldok

Halos tapos na ang terminong ito, natapos na rin ngayong araw ang aking finals ngunit meron pa akong defense bukas at isa pang term project na kailangang ipasa sa Martes. Nais kong sumigaw sa tuwa dahil hindi ko na kailangan magpuyat pa mamaya sa pag-aaral. Malapit na rin ang Pasko. Kahit maulan, nararamdaman ko pa rin ang lamig ng simoy ng hangin at waring iyon ay nagpapagaan sa aking damdamin.

Salamat naman at makakatulog na ulit ako ng mahimbing, marahil hindi pa gaano hangga't hindi ko pa nakuha ang aking mga grado. Meron pa rin akong ilang kurso na mukhang tagilid. Hindi ko alam kung sapat na ang effort na ibinigay ko para sa mga kurso ko sa terminong ito. Ang hiling ko lang sana maging masaya ang aking pasko, para matuwa rin ang aking mga magulang.

Hmm...ang labo nung huling pangungusap no? Haha.